Sabado, Oktubre 5, 2013

STUDENT OBJECTIVES/ LEARNING OUTCOMES

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
  1. Nababalik ang dating kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas;
  2. Nakikilala ang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahon ng katutubo tulad ng karunungang-bayan, epiko at alamat;
  3. Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita o matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto;
  4. Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng apat na makrong kasanayan ;
  5. Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon at kahulugan sa mga pahayag;
  6. Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito: karunungang-bayan, alamat, at epiko;
  7. Nakapagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali at katangian ng mga tauhan sa akda ;
  8. Nalilinang ang kakayahang umunawa at ang mapanuring pag-iisip ;
  9. Napahahalagahan  ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan ;
  10. Nagagamit ang ika-21 siglong kakayahan at pagkamalikhain ;
  11. Nakagagawa ng pangkatang blog storyboard na batay sa mga akdang panitikan na natalakay.

TARGETED CONTENT STANDARDS AND BENCHMARKS

  1. Nagagamit ang dating kaalaman patungkol sa paksang tatalakayin;
  2. Natutugunan ang bawat isyu na kalakip sa talakayan;
  3. Nalilinang ang kasanayang pang-gramatikal, apat na makrong kasanayan, interpersonal, mapanuring pag-iisip at ika-21 siglong kakayahan ;
  4. Nababahagi ng mga mag-aaral ang kanilang sariling opinyon, hinuha, interpreatasyon at nakapagbibigay ng mga kahulugan na may kalidad at katuturan;
  5. Napahahalagahan ang kabuluhan ng pagtatalakay sa mga panitikang bahagi na ng kasaysayan sa kasalukuyang panahon at sa hinaharap;
  6. Nakagagawa ng storyboard na ipapaskil sa blog gamit ang ika-21 siglong kakayahan ng mga mag-aaral at maging ang dati at bagong kaalaman.

CURRICULUM-FRAMING QUESTIONS (CFQ's)

Essential Question
Paano nakakaapekto ang kahapon sa ngayon at sa kinabukasan?

Unit Question
Paano nakaaapekto ang panitikan noon sa ngayon at sa kinabukasan?

Content Questions
Ano ang kahulugan ng panitikan?
Ano-anong mga panitikan ang umusbong sa panahon ng mga Katutubo?
Ano ang kahulugan ng karunungang-bayan?
Ano-ano ang mga karunungang-bayan ang umusbong sa panahon ng katutubo?
Ano ang kahulugan ng alamat?
Ano ang kahulugan ng epiko?

UNIT SUMMARY

Tatalakayin ang mga panitikang umusbong sa panahon ng katutubo tulad ng mga karunungang bayan, epiko at alamat. Kaakibat nito ay ang pagtalakay sa dalawang uri ng paghahambing, pang-abay na pamanahon, panlunan at pamamaraan. Ang mga mag-aaral ay ibabahagi ang kanilang pagpapakahulugan, opinyon, at hinuha sa talakayan. Inaasahan na pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay makagagawa ng pangkatang blog stoyboard. Ang pangkatang blog storyboard ay naglalaman ng mga akdang panitikan na natalakay (Ang Alamat ng Kasoy, Mina ng Ginto, Naging Sultan si Pilandok, Si Tuwaang at ang Dalaga ng  Buhong na Langit). Isaalang-alang sa pagbubuod at paggawa ng dayalogo ang paggamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan at kung maaari ay gamitin din ang mga karunungang-bayan na natalakay sa mga senaryo. Kalakip sa storyboard ang repleksyon at aral na napulot ng mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay nagagamit ang mga dating kaalaman, bagong kaalaman, malinang ang ika-21 na siglong kakayahan, pagkamalikhain at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalita at pasulat na pakikipagkomunikasyon at pagsasagawa ng pangkatang blog stoyboard